Tennis: Roger Federer, magreretiro na

Inanunsyo ng Swiss tennis legend Roger Federer na magreretiro na siya matapos ang Laver Cup sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, inamin ni Federer na ang kanyang battles sa knee problem ang nagtulak sa kanya na magpahinga na sa kanyang historic career.

Ayon dito, ang Laver Cup sa susunod na linggo sa London ang kanyang magiging final ATP event.

Matatandaan na ang 41-year-old winner ng 20 Grand Slam titles ay hindi na nakikita sa aksyon simula noong quarter-final loss sa Wimbledon noong 2021, nang sumailalim ito sa kanyang third knee surgery sa loob ng 18 buwan.

Nabatid na tatlong taon nang iniinda ni Federer ang kanyang knee problem na nagpigil sa kanya sa tatlo lang mula sa 11 Grand Slams staged simula noong 2020.

Leave a Reply

Your email address will not be published.