Terrence Romeo, unti-unti nang bumabalik ang timing sa mga laro

Naniniwala ang scoring guard ng San Miguel Beer na si Terrence Romeo na hindi niya pa naabot ang pinakamahusay niyang kondisyon sa paglalaro.

Ito ay sa kabila ng malaking ambag niya sa Game 2 ng semifinals laban sa TNT Tropang Giga, na ngayon ay nasa 1-1 ang standing.

Ipinunto ni Romeo na unti-unti nang bumabalik ang timing niya sa mga laro.

Ayon kay Romeo, dalawang beses na siyang nagkaka-injury ngayong conference kung kaya’t sinusubukan niya pa rin na i-maintain ang kaniyang kondisyon.

Mababatid na naitala ni Romeo ang twenty-four mula sa kaniyang 26 points sa second half ng laro kung saan ay nagwagi ang Beermen sa score na 98-96.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *