Vice Ganda, dumating na sa US para sa kaniyang live concert

Dumating na ang komedyante na si Vice Ganda sa Estados Unidos para sa kaniyang unang concert sa harap ng live audience mula nang magkaroon ng pandemya.

Magsasagawa si Vice ng 2-night show na pinamagatang “Vax Ganda: A Dose of Laughter” sa Pechanga Resort Casino sa California sa October 15-16.

Dumating si Vice, kasama ang partner niya na si Ion Perez na magiging guest performer niya sa konsyierto, sa Los Angeles noong Huwebes.

Ibinahagi naman ng concert producer na si Anna Puno ang mga litrato ng kanilang pagdating doon.

Bukod kay Perez ay makakasama rin ni Vice sa concert ang singer na si Angeline Quinto at comedians na sina MC at Lassy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *