Tesla founder Elon Musk inabswelto ng korte sa kasong fraud

Abswelto sa fraud si Tesla founder Elon Musk.

Matatandaan na naharap ng class-action lawsuit si Musk na isinampa ng Tesla shareholders dahil sa claim na na-misled niya ang mga ito sa kanyang post noong August 2018 kung saan hindi nag-materialized ang $72bn buyout.

Ayon sa report, inabot ng mahigit dalawang oras ang mga juror para makapaglabas ng kanilang desisyon sa kaso.

Napag-alaman na kung naideklarang guilty si Musk, aabot ng bilyong dolyar ang bayad sa damages. Welcome naman kay Musk ang desisyon ng korte sa San Francisco kung saan una niyang hiniling na mailipat sa Texas ang pagdinig dahil sa pangambang hindi siya makakakuha ng patas na trial.

Nag-ugat ang reklamo kay Musk nang mag-tweet ito ng “investor support is confirmed” kaugnay sa funding ng Tesla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *