Teves humingi ng tulong kay PBBM sa umano’y panggigipit ng ilang opisyal

Humingi ng tulong si Negros Oriental Congressman Arnie Teves kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. dahil sa umano’y pang-aabuso ng ilan sa mga nakaupo sa pwesto para lang maidiin siya sa kaso ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo.

Sa kanyang 17-minutong video message, sinabi ni Teves na hindi siya naniniwalang may kinalaman ang Pangulo sa nangyayaring panggipit sa kanya.

Naaawa umano si Teves dahil ginagamit pa ng mga ito ang Pangalan ni Pangulong Marcos para lang maidiin siya sa kaso.

Kasabay nito umapela naman ang mambabatas sa Pangulo na sawayin ang mga opisyal na umaabuso sa kanilang kapanyarihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *