Timberwolves, wagi kontra 76ers sa double OT game; 121-120

Nalampasan ng Minnesota Timberwolves ang host na Philadelphia 76ers sa kanilang double overtime game na nagtapos sa 121-120, salamat sa layup ni Taurean Prince sa huling 4.8-seconds.

Nanguna si D’Angelo Russel sa panig ng Timberwolves na may 35 points habang nagdagdag naman si Karl-Anthony Towns ng 28 points at 10 rebounds bago ito na-foul out.

Para naman sa panig ng 76ers, ay naitala ni Joel Embiid ang 42 points at 14 rebounds.

Sa ikalawang overtime ay na-block ang tira ni Embiid kasabay ng pagtapos ng oras.

Mababatid na kababalik lamang ni Embiid mula sa tatlong-linggo na pagpapahinga dahil sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *