Top 6 most wanted sa regional level at miyembro umano ng criminal group, nadakip sa Cauayan Ctiy

Arestado ang top 6 most wanted person WCPD Regional level sa implementasyon ng warrant of arrest kahapon, February 22, 2022 sa barangay Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Michael Candoy, 20-anyos, binata, magsasaka at residente ng barangay Cumabao, Tumauini, Isabela.

Ikinasa ang naturang operasyon ng mga kasapi ng Isabela PFU-CIDG RFU 2 bilang lead unit, PNP Cauayan, Provincial Intelligence Unit-IPPO, 1st IPMFC at PIDMU-IPPO.

Si Cando ay may nakabinbin na warrant of arrest sa kasong rape 2 counts na walang bail at kasong sexual assault na may kaukulang pyansa na 200, 000 pesos na inilabas ni Judge Dennis Agustin, Acting presiding judge ng RTC branch 22 Cabagan Isabela.

Kabilang din umano ang akusado sa “Ruiz group”, isang newly identified criminal group na pinamumunuan ng nagngangalang Jerome Ruiz.

Ayon sa CIDG, ang naturang grupo umano ay sangkot sa mga robbery at pagnanakaw ng mga alagang baka sa first at 2nd district ng lalawigan ng Isabela.

Dinala naman ang akusado sa CIDG Isabela para sa booking bago ipasakamay sa court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *