Higit 100 na learners, lalahok sa limited face-to-face classes sa CCNHS

Inilipat sa araw ng Lunes, February 28 ang resumption ng limited face-to-face classes sa Cauayan City National High Main Campus na nakatakda sanang isagawa ngayong araw.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Primitivo Gorospe, Punong Guro ng CCNHS, kabilang ang kanilang paaralan sa second batch na inaashaang muling magbubukas sana ngayong araw subalit dahil sa masungit na panahon na naranasan kahapon ay nagpalabas ng kautusan ang SDO Cauayan na sa lunes nalang i-resume ang klase.

Nasa 111 na learners ng TVL aniya ang handang makilahok sa in-person classes kung saan 54 dito ang Grade 11 at 57 naman sa Grade 12.

Aniya, limitado sa mga skills-based subject ang pag-aaralan sa limited face-to-face classes kabilang na rito ang specialization sa automotive, electrical installation and maintenance, dress making, food and beverage services, animation and programming, beauty care, care giving at carpentry.

Sinabi pa ni Dr. Gorospe, sa bawat specialization ay pinayagan ang tig-20 na mga estudyante ang lumahok kung saan ilan din sa mga ito ay galing sa iba’t-ibang munisipalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *