Tulfo dismayado sa pagtuturuan ng gobyerno at energy sectors sa problema ng brownout

Hindi nagustuhan ni Senator Raffy Tulfo ang pagtuturuan ng mga ahensiya ng gobyerno at ilang energy sectors kaugnay sa nararanasang mga brownout sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa isinagawang Public Hearing ng Senate Committee on Energy kung saan tumatayong chairman si Tulfo, hinikaya nito ang lahat ng stake holders na magtulungan para maresolba ang problema ng enerhiya sa bansa.

Wala kasi umanong umaako at nagtuturuan ang mga ito kung sino ang dapat managot sa malawakang mga brownout na nararanasan sa maraming probinsiya.

Lumabas sa pagdinig na walang maayos na komunikasyon at koordinasyon ang mga kooperatiba, regulators at stakeholders mula sa iba’t ibang sektor ng enerhiya.

Sinangayunan ni Department of Energy Secretary (DOE) Secretary Atty. Raphael Lotilla ang suhestiyon ni Tulfo na tiyakin ang koordinasyon sa lahat ng mga ahensya at sektor.

Sa halip na magbigay ng “band-aid fix,” sinabi ng mambabatas na ginanap ang hearing upang mabigyan ng sistematikong solusyon ang problema sa kuryente.

Kabilang sa mga dumalo sa hearing ay ang mga kinatawan mula sa Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA), National Power Corporation (NPC), National Transmission Corporation (TRANSCO), Occidental Mindoro Electric Cooperative, INC (OMECO), and Occidental Mindoro Consolidated Power Corp at Palawan Electric Cooperative (PALECO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *