Turkish President, inamin ang pagkukulang matapos punahin ang pagtugon ng gobyerno sa pagtama ng malakas na lindol

Inamin ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang kanyang pagkukulang matapos na punahin ang pagtugon ng gobyerno sa pagtama ng magnitude 7.8 na lindol na pumatay sa halos 16, 000 katao sa Turkey at Syria.

Aniya, hindi posibleng maging handa sa isang kalamidad na katulad nito.

Habang dumarami ang mga kritisismong natatanggap ng Turkish leader online, binisita ni Erdogan ang isa sa hardest-hit spots ang quake epicenter na Kahramanmaras at inalam ang mga problema sa ginagawang search and rescue ng mga awtoridad.

Ang magnitude 7.8 na lindol ay tumama sa Turkey at Syria noong lunes kung saan hindi bababa sa
12,391 katao ang namatay sa Turkey at hindi bababa sa 2,992 naman ang nasawi sa Syria, inaasahan pa umanong tataas ang bilang na ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *