U.S., ibo-boycott ang 2022 Beijing Winter Olympics

Inanunsyo ng Estados Unidos ang diplomatic boycott nito sa 2022 Beijing Winter Olympics, na bahagi ng pambabatikos nito sa human rights record ng China.

Inihayag ito ng Washington matapos nitong pag-isipan ng ilang buwan ang magiging pusisyon nito para sa Games, na iho-host ng China sa Pebrero.

Naniniwala ang Amerika na may nangyayaring “genocide” sa China partikular na laban sa Uyghur Muslims na nasa northwestern Xinjiang region.

Bilang tugon naman ay nagbanta ang Chinese foreign ministry ng “resolute copuntermeasures” sakaling tuluyang maimplementa ang nasabing boycott.

Mababatid na agad naman winelcome ng mga politiko sa US ang naturang desisyon, kung saan ay pilit na pinagsasalita si President Joe Biden laban sa mga pang-aabuso umano ng China sa karapatang pantao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *