Ulat ng komite sa mga issues sa POGO , ilalabas ng Senate panel ngayong lingo

Nakatakdang ilabas ngayong linggo ng Senate ways and means committee ang report kaugnay ng mga issues sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Sa isang panayam, sinabi ni Senate ways and means panel chairman Senator Sherwin Gatchalian na target niyang mai-report ang rekomendasyon sa Martes o Miyerkules.

Noong Disyembre , nagsagawa umano ng review ang komite at mayroong mga nakitang bago na nais nilang pag-usapan sa committee hearing na itinakda ngayong araw.

Sinabi ng Senador na mas mabuting dalhin ang issues sa isang pagdinig sa para sa pagiging patas at transparency , katulad ng issue paano nagbabayad ng income tax ang mga dayuhang nagtatrabaho sa POGOs.

Samantala, inihayag ni Gatchalian na mahalaga ang isang third-party  auditor dahil masisiguro nito ang transparency sa mga kita ng POGOs sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *