Unang Covid-19 death ngayong taon, naitala sa Sorsogon

SORSOGON CITY – Nakumpirma sa datos na ipinalabas ng DOH-Bicol na may isang nasawi dulot ng coronavirus disease ngayong taon sa lalawigan.

Walang pang ipinapalabas na detalye sa nasawi noong Enero 11 ang Sorsogon Provl Health Office.

Samantala, sumirit pa sa 71 sa kaparehong araw ang kaso ng nasabing sakit.

Naitala sa lungsod ng Sorsogon ang 23 panibagong kaso, sinundan ito ng 12 sa bayan ng Castilla, may 10 kaso sa bayan ng Bulan habang tig-limang kaso sa bayan ng Gubat at Pto Diaz.

May naitala namang tatlong kaso sa bayan ng Juban at Matnog habang dalawang kaso sa bayan ng Casiguran.

Sa mga bayan naman ng Barcelona, Donsol, Pilar at Sta Magdalena ay may naitalang tig-iisang kaso.

As of Jan. 11 ay may naitala ang lalawigan ng 261 na aktibong kaso kung saan 190 dito ay may sakit pa rin habang 5 ang nakarekober sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *