Talpakan sa Angeles city, pansamantalang ipinasara

Iniutos ni Angeles city mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, ang pansamantalang pagpapasara sa mga online betting station o “talpakan” sa kanilang syudad.

Ayon kay City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, nakiusap siya sa mga operator ng mga talpakan na pansamantala munang magsara dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.

Ang naturang inisyatibo ay paraan ng lungsod para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Sa ngayon wala pang tiyak na araw kung kelan ulit papayagan ang mga ito na magbukas, ayon kasi sa alkalde mananatili itong nakasara hanggat mataas ang kaso ng COVID-19 sa Angeles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *