Unang kaso ng monkeypox sa Southeast Asia, naitala sa Singapore

Kinumpirma ng health ministry ng Singapore na nakapagtala sila ng unang kaso ng monkeypox kung saan first case din umano ito sa buong Southeast Asia.

Ang naturang pasyente ay isang 42 years old na British man na nagtatrabaho bilang flight attendant.

Ayon sa ministry, nasa stable condition naman ito na kasalukuyang nasa National Centre for Infectious Diseases in Singapore.

Samantala, nasa 13 naman na naging close contacts nito ang sasailalim sa 21 days quarantine.

(ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published.