Unang kaso ng Omicron BA.4 Subvariant sa Pilipinas, nakarekober na ayon sa Department of Health

Naka-rekober na ang kauna-unahang kaso ng bagong subvariant ng Omicron na BA.4 sa Pilipinas.

Ayon kay Dra. Alethea de Guzman, hepe ng Epidemiology Bureau ng Deparment of Health, nakumpleto na ng pasiyente ang kanyang mandatory quarantine at magaling na ito sa ngayon.

Napag-alamang hindi ito bakunado, ngunit asymptomatic nang mahawaan ng COVID-19.

Natukoy naman ang tatlong household contacts nito ngunit napag-alamang tapos na siya sa mandatory isolation nang makasalamuha ang mga ito.

Sa ngayon, asymptomatic din ang kaniyang mga contacts at fully-vaccinated na rin.

Matatandaang ang unang kaso ng BA.4 subvariant sa Pilipinas ay isang returning overseas Filipino mula sa Qatar at nanggaling din sa South Africa.

Matatandaang itinuturing ng European CDC ang BA.4 subvariant dahil sa katangian nitong mabilis makahawa kung ikukumpara sa iba pang variant ng Omicron.(GAB DALISAY)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *