Programa para sa mga octo at nonagenarians sa Koronadal, nilinaw

KORONADAL CITY — NILINAW ngayon ng Koronadal City Social Welfare and Development Office o CSWDO ang mga programa ng city government para sa mga octogenarians at nonagenarians o mga matatandang nasa edad, 80 hanggang 99-anyos.

Ayon kay CSWD Officer Haydee Anunciado, iisang beses lamang ang mga ito makakatanggap ng benepisyo sa loob ng limang taon base sa guidelines ng lungsod kung saan sinusunod ang age bracketing sa pamimigay ng tulong.

Sakali naman umanong tumuntong na ang edad ng isang senior citizen sa susunod na bracket, maaaring makatanggap ulit ito ng benepisyo.

Sa datus ang mga senior citizen na nasa edad 85 hanggang 90 ay makakatanggap ng P10,000; P15,000 naman para sa mga nasa edad 91 hanggang 95; at P20,000 sa mga aabot ng edad 96 hanggang 99-anyos.

Ngunit bago makatanggap ng benepisyo, kinakailangan ng mga ito na magpakita ng birth certificate at iba pang dokumento na magpapatunay sa kanilang edad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *