Unang Medical at Dental Mission sa Koronadal ngayong 2024, umarangkada na

KORONADAL CITY – UMARANGKADA na ang pinaka-unang Medical at Dental Mission ng lungsod ng Koronadal para ngayong 2024. Unang tinungo ang Barangay Carpentel Hill kung saan dinagsa ng mga mamamayan sa nasabing lugar.

Pinangunahan naman ng City Health Office ang nasabing aktibidad kasama ang iba pang mga opisina na may kaugnayu sa kalusugan. Ayon kay City Mayor Eliordo Ogena, gusto ng city government na mapaibayo ang immune system ng mga mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng mga programa. Inihayag naman ni City Health Officer Dr. Vincent Ende, na bawat lingo nang ipatutupad o isasagawa ang nasabing programa kasama ang buong puwersa ng City Health Office.

Maliban sa check-up at bunot ng ngipin, may libre ring vitamins na ipinamamahagi ang CHO sa mga benepisyaryo, habang ang isa commercial establishment naman na kasama sa programa ay namahagi ng libreng reading eye-glassess at mga pa-premyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *