Upa sa puwesto sa pampublikong palengke sa bayan ng Gubat bumaba

Aabot sa halos 30 porsiyento ang ibinaba sa upa sa mga puwesto sa bagong pampublikong palengke ng bayan ng Gubat.

Ang pagbaba sa renta ay base sa Municipal Ordinance No. 2022-010 na inaprubahan ng 11th Sangguniang Bayan ng Gubat sa kanilang 11th Regular Session na may titulong ‘An Ordinance Prescribing The New Rental Fees In All Sections of Gubat Public Market Building Providing Additional Policies.’

Sa bagong halaga ng upa, ang rentang babayaran ng mga nag-ookupa ng market stalls ay ang mga sumusunod: para sa meat section Php7 bawat sqm kada araw.

Kaparehong halaga din ang babayaran ng mga nasa fish, processed meat and dressed chicken section habang Php7 din ang halaga ng ticket para sa mga nasa seashell section.

Php10.50 naman bawat sqm kada araw ang babayaran ng mga occupants ng exterior fruits and vegetable section habang Php7 sqm kada araw ang mga nasa interior.

Php14.70 naman ang renta ng mga umuukopa ng unang palapag ng gusali na nakaharap sa Manook at Diaz Street habang Php12.60 naman ang upa ng mga nasa second floor ang puwesto.

Sa pahayag ng LGU, bagama’t may utang pa na kailangang bayaran ang munisipyo sa pagpagawa ng palengke, ibinaba pa rin ng Sangguniang Bayan ang mga upa bilang dagdag na tulong sa  mga nangungupahan sa palengke. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *