American Journalist inaresto habang palabas ng Myanmar

Inaresto at ikinulong ng local authorities sa Myanmar ang American journalist na si Danny Fenster ng News site Frontier Myanmar.

Ayon sa report ng pamilya ni Fenster, pinigil ng mga otoridad sa Yangon airport ang mamamahayag habang pasakay na sana ito sa kanyang biyahe palabas ng Myanmar.

Inihayag ng news organization ni Fenster na hindi pa malinaw sa kanila kung bakit ito inaresto habang patungo sana sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Si Fenster ay tubong Detroit Michigan at naninirahan sa Yangon kung saan siya nagtatrabaho.

Sa huling balita ay inilipat na si Fenster sa Insein Prison na isa sa mga kilalang “most notorious” political prisons sa Myanmar

Matatandaan na umiiral sa Myanmar ang military junta kung saan hawak ng militar ang kapangyarihan habang ikinulong naman ang pinatalsik na civilian leader na si Aung San Suu Kyi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *