Utilization rate ng mga covid beds sa Bicol, nasa 43% – DOH

BICOL – BUMABA sa 43% ang utilization rate ng mga hospital beds para sa COVID-19 sa Bicol region.

Base sa pinakahuling Healthcare utilization report ng Department of Health o DOH-Bicol, 455 ng kabuuang 1,035 covid dedicated beds ang okupado sa kasalukuyan.

42.6% sa isolation beds, 37.9% naman sa COVID ward, ICU beds sa 65.9% o naaa moderate risk at 42.1% ng mga mga mechanical ventilators ang kasalukuyang ginagamit.

Samantala sa mga DOH hospitals sa rehiyon, sa Bicol Medical Center sa Naga City, 94 sa kabuuanng 140 covid beds ang kasalukuyang okupado o 67.1% na nasa moderate risk; isolation beds sa 81.4% o high risk; covid ward neds sa 31.1%; 92% naman sa ICU beds o nasa critical stage at 0% naman sa mechanical ventilator.

Sa Bicol sanitarium, 22 beds sa kabuuang 62 dedicated beds ang ginagamit o nasa 35.5%; 41.7% naman sa isolation beds; covid ward beds sa 20.8%; 0% sa mechanicall ventilators habang nasa 100% okupado ang kanilang mga icu beds.

Sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH), 69 sa 99 na covid beds ang okupado o katumbas ng 68.7% na pasok sa high risk’ isolation bed sa 80.8%; covid ward beds sa 61.8%; 69.2% naman sa icu beds at mechanicall ventilators na nasa 75% o high risk.

Sa iba pang mga health facilities sa rehiyon, nasa 54 ng kabuuang 153 opvid beds Albay o katumbas ng 35.3% utilization rate; 18.3% naman sa Camarines Sur o katumbas ng 11 sa kabuuang 60 dedicated beds. Bumaba sa 6.7% sa Catanduanes o 11 sa kabuuang 72 beds; 45.2% sa Masbate o 19sa kabuuang 42 beds; 37.6% sa Sorsogon o 68 sa kabuuang 181; 54.1% naman sa Camarines Norte o 72 ng kabuuang 122 covid beds habang 24 ng kabuuang 93 beds ang okupado sa Naga City o katumbas ng 25.8%.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *