Vaccination coverage sa Catanduanes umabot na sa 53% ng target population

BNFM  BICOL—Umabot na sa 53% ang vaccination coverage sa islang lalawigan ng Catanduanes matapos na mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang nasa kabuuang 336,326  na mga indibidwal.

Batay sa ulat ng Provincial Health Office as of January 6, 2022, nasa 189,926 na mga indibidwal o 83% ng current target population ng lalawigan, ang tumanggap na ng kanilang first dose ng bakuna habang nasa 146,400 individuals o 64% naman ng current target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 53% na ng target population sa Catanduanes ang nabakunahan na kontra sa naturang sakit, habang nasa 12,287 na mga indibidwal naman ang tumanggap na ng kanilang booster shots.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ng PHO sa publiko na makiisa sa nagpapatuloy na bakunahan sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya upang mabigyan ng proteksyon ang sarili, lalo na muli nanamang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa naturang lalawigan.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *