Vaccination rollout sa bayan ng Panganiban, Catanduanes nagpapatuloy sakabila ng granular lockdown na ipinatupad sa isang barangay

BICOL—Puspusan pa rin sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang Rural Health Unit sa bayan ng Panganiban, Catanduanes sakabila ng pagsasailalim sa granular lockdown sa isang barangay na sakop ng nasabing bayan.

Tuloy pa rin ang pagbabakuna ng Sinovac vaccine sa mga health workers gayundin sa mga senior citizens maging sa mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team.

Ayon sa pamunuan ng RHU, umarangkada na rin ang kanilang vaccination rollout para sa mga may edad na, mga may comorbidities at mga kapitan, BHWs at iba pang miyembro ng BHERTS dahil ang mga ito ang exposed at madaling kapitan ng virus.

Sa huli nanawagan ang RHU-Panganiban sa lahat ng mga residente sakanilang bayan na makiisa sa pagsugpo ng COVID-19 sakanilang lugar, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga umiiral na health protocols at hindi na pagdadalawang isip pang maturukan ng COVID-19 vaccine lalo na ng mga senior citizens dahil ito ay magsisilbing proteksiyon hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa kanilang pamilya.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *