Validity ng registration ng mga sasakyan, extended ayon sa LTO 12

KORONADAL CITY- EXTENDED ang validity ng registration ng mga motor vehicles na may plate number na nagtatapos sa number 8, 9, at 0.

Batay sa Public Advisory ng Land Transportation Office o LTO Region 12, ang mga mag-eexpire na rehistro ngayong Agosto ay valid pa hanggang sa September 30, 2022.

Ang mga mag-eexpire naman sa September ay valid pa hanggang October 31 at ang validity ng mga narehistro sa Oktubre ay extended hanggang sa katapusan ng Nobyembre.

Dahil dito, walang surcharge o penalty ang mga magpaparehistro hanggang sa naturang petsa.
Layunin ng extension na masiguro ang striktong implementasyon at observance ng social distancing at iba pang health and sanitary protocols upang maproteksyunan ang safety ng mga kliyente at empleyado ng LTO.

Leave a Reply

Your email address will not be published.