Vietnam, umapela ng vaccine donation sa gitna ng COVID-19 surge

Umapela ang Vietnam, na minsan na naging modelong bansa sa paglaban sa pandemya, ng donasyon para makabili ito ng mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos mahirapan ang Vietnam sa pag-contain sa panibagong wave ng infections.

Sa ngayon ay nasa one percent lamang ng halos 100-million population ng Vietnam ang nababakunahan sa gitna ng pagkaalarma ng mga otoridad sa pagsipa ng mga kaso.

Noong nakaraang linggo ay nakatanggap ang mobile phone users sa Vietnam ng tatlong text messages kung saan ay hinihimok sila na mag-ambag sa COVID-19 vaccine fund.

Hinimok rin nito ang mga civil servants sa Vietnam na ibigay ang ilang bahagi ng kanilang sweldo sa nasabing pondo.

Sinabi ni Nguyen Tuan Anh, na isang civil servant, na nagpadala na siya ng $50 sa pamamagitan ng bank transfer at SMS payment.

Ipinunto ni Nguyen na kailangan ng Vietnam ng bakuna upang maging stable at umunlad muli ang ekonomiya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *