Walang namatay sa So.Cot dahil sa COVID 19 vaccine – Dr.Sulit

KORONADAL CITY- NILINAW ni Dr. Virginia Sulit, pulmonologist at miyembro ng Regional Adverse Event Following Immunization (AEFI) Committee ng Department of Health (DOH) 12 na walang namatay dahil sa COVID 19 vaccine sa lalawigan ng South Cotabato.

Paliwanag ni Sulit na lahat ng kaso ng mga namatay pagkatapos bakunahan ay kanilang isinailalim sa assessment at lumabas aniya sa kanilang pagsusuri na hindi vaccine related ang ikinamatay ng mga ito.

Dahil dito, umapela ang opisyal sa mga kasapi ng media na bago magdeklarang namatay sa COVID 19 vaccine ang isang tao ay magtanong muna sa DOH o sa Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Aniya, ang maling impormasyon ay nagdudulot lamang ng pangamba at takot sa publiko.

Binigyang diin nito na ang bakuna ay napatunayan na ng siyensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *