Warriors tinalo ang Cavs, Klay Thompson nagpasiklab sa comeback game

Matapos ang mahigit dalawang taon o eksaktong 941 na araw, balik na sa hardcourt ng NBA ang sharp shooter na si Klay Thompson.

Sa kanyang pagbabalik pinatunayan ni Thompson na walang kalawang sa kanyang kamay matapos kumamada ng 17 points kahit pa matagal na nawala para magpagaling sa kanyang tinamong ACL at Achilles tendon injury.

Bumuslo ng tatlong tres ang kalahati ng splash brothers sa naturang laban kontra Cleveland Cavaliers at nagtapos sa 96-82 pabor sa Golden State Warriors.

Historic night din para sa kalahati ng splash brothers ang kanyang comeback game matapos makuha ang 1,800 career 3-pointers at 12,000 points.

Bago ang laro dumating ang mga players ng Warriors suot ang no. 11 jersey ni Thompson bilang pagsuporta sa pagbabalik ng 3-time NBA champ.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *