Weekly vaccination rate ng Pilipinas, tumaas

Tumaas ang naitalang weekly vaccination rate ng Pilipinas sa nakalipas na pitong araw.

Ito ang inihayag sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ayon sa Kalihim, batay sa tala ng National Vaccination Operations Center (NVOC) nakapagtutok ng 1,658,072 vaccine doses ng COVID-19 vaccine ang simula noong June 21 hanggang June 27.

Ito aniya ay dahil sa patuloy na pagdating ng mga karagdagang suplay ng mga bakuna sa bansa kung saan nitong buwan ng Hunyo ay nasa 9,126,420 doses ang dumating sa bansa.

Kinumpirma rin ni Sec. Nograles na paparating na ang 99,600 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Moderna.

Dagdag pa ni Sec. Nograles, patuloy na tinututukan ngayon ng pamahalaan ang vaccination program at sinisikap na mapabilis pa ang deployment ng vaccine at pagbabakuna sa mga rehiyon upang makamit ang herd immunity.

Photo/internet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *