Weightlifter na si Vanessa Sarno, kwalipikado para sa Paris Olympics

Kwalipikado na sa 2024 Paris Olympics si Vanessa Sarno matapos ang kanyang kahanga-hangang performance sa IWF World Cup sa Phuket, Thailand.

Ang 20-anyos na si Sarno, na sumusunod sa yapak ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, ay nakapagtala ng bagong record ng Pilipinas sa snatch category matapos i-angat ng 110kg.

Nagtaas din ang two-time SEA Games gold medalist ng 135kg sa clean and jerk para makuha ang kabuuang lift na 245kg, na naglagay sa kanya sa ika-limang pweso sa 25-man field.

Nanguna si Olivia Reeves ng USA sa World Cup event na may kahanga-hangang 268kg outing, na sinundan naman ni Guifang Liao ng China, Kuk Hyang Song ng North Korea, at Wen-Huei Chen ng Chinese Taipei.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *