Wildlife Rescue Center sa Lower Magat, planong ipatayo

Napagkasunduan ng Lower Magat Forest Reserve (LMFR) Steering Committee na magkaroon ng Memorandum of Agreement hinggil sa pagtatayo ng Wildlife Rescue Center sa Lower Magat Ecotourism Park.

Ito ay matapos ang isinagawang pagpupulong ng Nueva Vizcaya Provincial Local Government Unit at DENR Region 2 sa bayan ng Diadi upang mapaganda pa ang pamamahala sa watershed.

Batay sa isinagawang inventory ng PLGU, nasa humigit kumulang 50 wildlife species ang naitala sa nasabing ecotourism site kung saan kabilang na dito ang Philippine serpent eagle, green rat snake, at peacock

Maliban sa pagtiyak sa maayos na wildlife habitat ay tutugunan na din ng PLGU-LMET park ang paggamot sa mga maililigtas na mga hayop upang mapabilis ang paggaling ng mga ito bago ibalik sa kanilang habitat.

Sa pamamagitan nito ay lalakas umano ang biodiversity action laban sa anumang banta sa buhay ng mga endangered wildlife species.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *