Yellow Bus Line Inc, handa sa pagdagsa ng maraming pasahero ngayong Undas

KORONADAL CITY —HANDA ang pamunuan ng Yellow Bus Lines Incorporated o YBLI sa posibleng pagdagsa ng maraming pasahero ukol sa obserbasyon ng Undas.

Ito ang inihayag ni Benard Bolanio, operation manager ng YBLI sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Sinabi ni Bolanio na pinalakas nila ang kanilang seguridad lalo na sa kanilang terminal sa Koronadal at sa lahat na mga unit ng bus nito na bumibiyahe sa Rehiyon-12 at katabing mga lugar.

Nagdadag din umano sila ng unit ng bus na bumibiyahe upang masigurong ma-serbisyuhan ng maayo ang publiko.

Dagdag pa nito na wala namang pagbabago sa schedule ng kanilang mga biyahe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *