Yulo at Obiena, kabilang sa mga nagdagdag ng medalya sa Pilipinas sa Sea Games

Tuloy-tuloy ang paghakot ng medalya ng mga atletang pinoy sa Southeast Asian Games sa Cambodia.

Kabilang diyan ang gintong medalya ni olympic gymnast Carlos Yulo sa mens individual all-around category.

Tagumpay na nadepensahan ni Yulo ang kanyang titulo matapos niyang talunin ang mga pambato ng Vietnam.

Ito ang ikatlong magkasunod na ginto ni Yulo sa nasabing event kasunod ng Sea Games 2019 at 2021.

Samantala, binasag naman ni EJ Obiena ang kanyang SEA Games record matapos ma-clear ang 5.65-meter mark sa Men’s Pole Vault Final.

Sinabi ni Obiena na nagkaroon siya ng ankle injury noong nakaraang linggo na naging dahilan para mas naging mapanganib ang paglahok niya sa kompetisyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *