May-ari ng Miss Universe, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa Maynila

Nagpasalamat ang may-ari ng Miss Universe sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Maynila.

Sa isang Instagram post kahapon, ibinahagi ni Anne Jakrajutatip ang ilang larawan ng kanyang pagdating at kung saan siya kasalukuyang tumutuloy.

Nauna nang sinabi ni Jakrajutatip na excited siyang bumalik sa Pilipinas sa unang pagkakataon sa loob ng halos apat na taon.

Hindi pa nagbibigay ng detalye ang Thai entrepreneur tungkol sa kanyang pagbisita, ngunit inaasahang dadalo siya sa Miss Universe Philippines 2023 coronation night sa May 13.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *