Zipper lane sa Quezon City, bubuksan na ayon sa DOTr

Makagagamit na ng zipper lane ang mga motoristang dumadaan sa Quezon Avenue westbound lanes sa Quezon City.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), magsisimula ang pagbubukas sa nasabing lane sa Lunes, December 5.

Bukas ito simula alas sais ng umaga hanggang alas otso ng gabi.

Ang mga motoristang nais gumamit ng zipper lane ay maaaring pumasok sa harap ng Lung Center of the Philippines.

Babagtasin ng zipper lane ang EDSA underpass at matatapos ito sa U-turn sa harap ng Providence Hospital.

Ayon sa ahensya, ang pagkakaroon ng zipper lane ay upang mapag-aralan ang posibleng epekto nito sa kasalukuyang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road at Quezon Avenue.

Ang nasabing pag-aaral ay magiging basehan para sa pagsasagawa ng active public and public transport infrastructures para sa lahat ng gumagamit ng kalsada. //SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *