Zubiri, hinimok ang IATF na magpatupad ng mas-istriktong measures sa Northern Mindanao

Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ng implementasyon ng mas istriktong measures sa Nothern Mindanao upang makontrol ang tumataas na bilang ng COVID-19 cases sa lugar.

Inihayag ito ni Zubiri matapos niyang maalarma sa pinakahuling surge ng COVID-19 infections sa buong rehiyon.

Iginiit ng senador na mapapakinabangan ng rehiyon ang pagbabago ng quarantine classification, at pati na rin ang localized lockdowns sa mga lugar na may nakakaalarmang surges.

Ipinunto rin ni Zubiri na posibleng kailanganin nila na ipatupad muli ang negative COVID-19 test requirement para sa inbound travelers.

Umaasa naman ang senador na agad na maiimplementa ng IATF ang mga mahahalagang measures sa lalong madaling panahon bago pa mawalan ng kontrol ang COVID-19 infections sa nasabing rehiyon.

Inihayag naman ni Zubiri na naiulat ng regional IATF na nagkaroon ng 300% na pagsipa sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Northern Mindanao nitong nakalipas na dalawang linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *