₱2M pabuya sa makakapagturo sa responsible sa pagpatay sa dating konsehal sa Camarines Sur

NAGA CITY – Nakalikom ng dalawang milyong piso pabuya ang opisina ni Camarines Sur 2nd District Congressman Luis Raymond Villafuerte para sa agarang pagkakahuli sa mga taong nasa likod ng pamamaslang kay Rodel Divinagracia noong nakaraang Sabado ng gabi sa Barangay Cadlan, Pili Camarines Sur.

Sa isang panayam kay Cong. LRay Villafuerte, sinabi nitong nakalikom na sila ng halagang dalawang milyon para maging pabuya sa sinumang makakapagturo sa pumatay kay “Pay Rudel”.

Ayon sa kongresista, posibleng politika ang pinakamotibo ng krimen.

Ayon kay PCol. Julius Caesar Domingo, Provincial Director ng PNP Camarines Sur , lahat ng angulo ay kanilang tinitingnan.

Tinawag niyang desperado ang nasa likod ng pamamaslang na ito at hangad niya na sana ay mahuli kaagad ang mga gumawa nito. 

Labis naman ang kalungkutan na nadarama ng kongresista dahil sa matagal niyang personal na kilala si Pay Rudel, lider nila ito mula pa noon sa kanyang amang si dating gobernador at kongresista Luis R. Villafuerte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *