Budget para sa RSBSA sa susunod na taon na ipapasok- PCIC

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na naubos na ang budget para sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa isinagawang System Management Committee Meeting kahapon na inorganisa ng National Irrigation Administration (NIA) na dinaluhan ng irrigators association at iba pang stakeholders inihayag ng kinatawan ng PCIC na sa sususnod na taon na ipapasok ang budget para sa mga magtatanim ngayong cropping season sa ikatlong linggo ng Disyembre.

Ang mayroon umano sa ngayon ay ang pondo na bagong download sa PCIC sa pamamagitan ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Nagbaba umano ng master list sa PCIC ang National Coconut Farmer Registration System (NCFRS) ng mga pangalan ng magsasaka ng niyog kasama ang mya may ari, farm laborer at tenant at ang mga ito lang ang pwedeng maka- avail ng insurance benefit sa ngayon.

Ang insured lang ng PCIC ay sa niyog na nagkakahalaga ng P50,000 kada ektartya kumpara sa RSBSA na P25, 000 lang.

Covered nito ang natural calamities kasama na ang mga major pest at diseases tulad ng cocolisap at kadang- kadang.

Sa RSBSA naman ay natural calamities lang ang binabayaran.

Para maka- avail sa programa kailangang nakarehistro sa RSBSA at NCFRS ang covonut farmer.

Hanggang December 31 lang ang budget na ibinigay para sa lalawigan para sa mga ibinabang pangalan ng coconut farmers.

Halos nasa 7,000 coconut farmers ang ipapasok sa insurance at nagsimula na ito sa dalawang Barangay ng Sta Elena.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *