1 kritikal sa tama ng bala nang mag-agawan ng baril ang mga nag-iinuman

Nakakulong na ngayon ang dalawang suspek sa pagkasugat ng isang lalaki na tinamaan ng bala sa dibdib sa Barangay Pulot Center, Sofronio Espanola, Palawan nitong Sabado, June 4, 2022.

Ang mga suspek ay sina Ronald Bellorente Caabay, 23 Gerardo Baybayan Rebugio 51 anyos.

Iniulat ng Palawan Provincial Police Office  na bago ang insidente ay pumunta ang biktimang si Randy Dela Cruz Yanong , 42 anyos kasama ang asawa nito sa lugar kung saan nakatira ang kanilang kaanak.

Malapit doon ay nag-iinuman ang dalawang suspek kung saan ang isang suspek na si Ronald B. Caabay ay pinaputok ang baril na pagma-may-ari ni Gerardo. Sinubokan umanong agawin ni Gerardo kay Ronald ang baril subalit ipinutok muli ito ni Ronald.

Tinamaan ang biktima sa kaliwang dibdib na agad isinugod sa Sofronio EspaƱola District Hospital bago inilipat sa Southern Palawan Provincial Hospital.

Narekober ng pulisya kay Gerardo Rebugio ang isang holster at isang bala. Matapos ito ay isang Kienneth I Rebugio ang nag-suko sa Espanola MPS ng isang unit ng Caliber 38( Smith & Wesson) at limang (5) fired catridges ng Cal. 38.

Samantala, nahaharap sa kaso ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *