1 patay, tatlo sugatan sa karambola ng tatlong motorsiklo sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Isa ang patay habang tatlo naman ang sugatan sa karambola ng tatlong motorsiklo dakong alas 10:30 Linggo ng gabi sa kahabaan ng Mangcamagong Road, Barangay Taisan, Basud, Camarines Norte.

Kinilala ang nasawi na si Emelson Sacriz y Adecer, 27 anyos, binata, at residente ng Purok 1, Brgy. Mangcamagong sa naturang bayan habang tatlong iba pa ang sugatan sa nangyaring aksidente.

Batay sa police report habang binabagtas ng biktima ang naturang bahagi ng kalsada sakay ng kaniyang motorsiklo ay aksidente nitong nabangga ang kasalubong na isa pang motorsiklo na minamaneho naman ni alyas “JJ” 21 anyos,  binata estudyante, taga Purok Narra, Brgy. Poblacion 2.

Ayon umano sa isang testigo sinakop ng biktima ang linya ng kasalubong na motorsiklo kaya nagresulta sa banggaan.

Nahagip rin nito ang isa pang motorsiklo na mayroong angkas na taga Purok 5, Brgy. Colasi, Mercedes, Camarines Norte.

Isinugod pa sa ospital si Emelson ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO Basud pero idineklara itong Dead on arrival ng doktor.

Nagtamo naman ng sugat ang iba pang personalidad na sangkot sa aksidente.

Nasa kustodiya ngayon ng Basud Municipal Police Station ang tatlong sasakyang sangkot sa aksidente para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *