Donaire, gumawa ng panibagong kasaysayan sa boxing

Nabawi ni Nonito Donaire  ang WBC bantamweight championship matapos nitong ma-knock-out si Nordine Oubaali sa kanilang laban sa Carson, California.

Tatlong beses na pinatumba ni Donaire si Oubaali, kung saan ay nangyari ang huling knockdown sa fourth round, na naging dahilan para ipatigil na ng referee ang laban.

Nagdomina ang tinaguriang “The Filipino Flash” mula sa umpisa hanggang sa dulo ng laban.

Sa edad na 38-anyos, ay nagsisilbi si Donaire ngayon bilang pinakamatandang bantamweight champion sa buong kasaysayan ng boxing.

Unang beses nakuha ni Donaire ang WBC bantamweight championship noong 2011 laban sa Mexican na si Fernando Montiel.

Samantala, ito naman ang unang beses na nakatikim ng pagkatalo ang French-Morrocan boxer. (RAMAK KOWSARI)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *