13-anyos na batang babae mula Ilocos Norte, posibleng maging ikatlong Pilipinong Santo – CBCP

ISANG Pilipinong batang babae ngayon ang posibleng maging Santo matapos na buksan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang usapin sa posibilidad na gawing Santo ang 13-anyos na si Niña Ruiz – Abad mula sa Sarrat, Ilocos Norte.

Sa murang edad ay nagawa na umano ng bata na magpakita ng kabanalan at hindi karaniwang pananampalataya at debosyon sa Eukaristiya.

Bukod sa pag e-ebanghelyo, namahagi rin si Niña ng mga rosaryo, bibliya, mga banal na imahe at iba pang mga religious items na hindi pangkaraniwan sa katulad niyang bata.

Nakatakdang simulan ang pag-iimbestiga sa naging buhay ni Niña matapos itong aprubahan ng mga obispo sa isinagawang episcopal conference sa Diocese of Kalibo.

Bagama’t aminadong aabutin ng ilang taon, naniniwala umano ang CBCP na magsisilbing magandang ehemplo si Niña pagdating sa pagpapalakas ng pananampalataya ng mga kabataan ngayong panahon.

Pumanaw si Niña sa edad na 13-anyos noong August 16, 1993 matapos atakehin sa puso.

Kung sakaling maging ganap na Santo, siya na ang ikatlong Pilipinong Santo na kikilanin ng Vatican sumunod kina San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *