14 anyos na binatilyo napag-utusan para magnakaw ng motorsiklo.

Nasa kustodiya na ng awtoridad ang isang 14 anyos na binatilyo matapos magnakaw ng motor sa Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City ganap na 2:55 ng hapon nitong May 28, 2021.

Napag-alaman ng Brigada News na lumapit sa Anti Crime Task Forceย  ang mga Badjao upang humingi ng tulong dahil sa motorsiklo na kinarnap at pag-aari ni Benjie Adjarani, 21 anyos residente sa Brgy. Tagburos.

Napag-alaman din kung sino ang kumuha at ayon sa suspek, siya ay napag utusan umano ng grupo para kunin ang motor dahil kung hindi siya susunod ayย  sasaksakin umano siya at ang kanyang magulang ay pinagbantaan na papatayin kaya napilitan syang kunin, sinabihan din sya ng grupo na huwag sasabihin kung saan itinago ang motor na natagpuan sa kanto ng delos Reyes Road 2 Brgy. San Pedro.

Samantala naiturn over na sa PNP ang menor de edad at nakatakdang dalhin sa CSWD.

๐Ÿ“ทCity Anti Crime Task Force

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *