Ordinansa sa bantay ASF sa mga barangay, isinusulong ng Provincial Government of Isabela

Isinusulong ng Provincial Government of Isabela katuwang ang Provincial Veterinary Office at Liga ng mga Barangay ang ordinansang Bantay ASF (African Swine Fever) sa mga barangay sa probinsya.

Sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Isabela LNB Federation President Dante Halaman, magsasagawa nalang umano sila ng isa pang pagpupulong para tuluyang maaprubahan ang naturang ordinansa.

Sa ilalim ng isinusulong na ordinansa, kinakailangan lahat ng mga backyard raisers ay sumunod sa ipapatupad na precaution measures tulad ng pag-disinfect sa alagang baboy at kulungan na mandatong lagyan ng net kung saan isa sa nakikitang dahilan ng transmission ng naturang sakit sa mga baboy ay mga langaw at ibon.

Responsibilidad naman ng mga barangay officials na suriin at i-monitor ang lahat ng kanilang nasasakupan na may alagang baboy. Kabilang din sa isa pang babantayan ng mga barangay officials ay mga lumalabas at pumapasok sa kanilang barangay na mga karneng baboy.

Ayon kay Halaman, batay sa isinasagawang monitoring ng Provincial Veterinary Office ay wala naman na umanong naitatalang kaso ng ASF sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *