14 patay matapos masunog ang isang nightclub sa Thailand

Patay ang 14 na tao habang sugatan ang mahigit sa 40 na iba pa matapos masunog ang isang nightclub sa Chonburi province sa south-eastern Thailand.

Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng sunog sa Mountain B nightspot na dahilan ng pagpa-panic ng mga parokyano.

Inabot ng dalawang oras bago naapula ng mga bombero ang sunog na sinasabing sumiklab habang nagsasagawa ng performance ang banda kung saan kabilang sa mga nasawi ang isang performer.

Karamihan sa bangkay ng mga nasawi ay nakita sa malapit sa entrance at mga palikuran na patunay na sinubukan ng mga ito na makalabas pero nagkaipitan.

Sa kasalukuyan ay sinasabi sa report na pawang mga Thai nationals ang mga nasawi.

Sinasabing ang flammable acoustic foam sa dingding ng club ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.