14-yrs old na buntis kasama sa mga benepisyaryo sa “Barangay End Stunting Symposium” sa Naga City

NAGA CITY-  Nakatanggap ng Mom’s Love ES1 Capsule at mga maternity kits laman ang gamit pambaby ang 30 na mga ina sa Barangay Triangulo Naga City, sila ay dumalo sa “Barangay End Stunting Symposium” ng Brigada News FM.

Hangarin ng programa na pamangalagaan ang mga nanay na mga buntis pati kapapanganak pa lamang nang sa gayon ay maging malusog din ang kanilang mga anak o hindi magiging stunted.

Bukod sa pa kain ng BNFM , binusog sil a ng mga impormasyon ng Bicol University College of Nursing Professors , tinalakay ang Mental Health, Reproductive Health  at Nutrition para sa mga buntis gayundin sa mga anak.  

Nakatanggap pa sila ng iba pang mga regalo mula sa Children International Philippines sa pamamagitan ng AKB.

Isa sa mga benepisyaro ng Mom’s Love ES1 Capsule ang 14-anyos na si “Tin”, aniya base sa kaniyang napakinggan malaking tulong sa malusog na isip at katawan ang Mom’s 1st time mommy at nagdalang tao sa murang edad.

Ayon kay BU Professor Dr. Odette Gonzales, mahalagang pati ang mental health ng mga buntis ay napapangalagaan. Mahirap aniya para sa mga teenage pregnant ang sitwasyon pero kailangan nila ng interventions upang makabangon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *