Maayos na mental at physical health ng mga buntis, isa sa binigyang diin sa mom’s love end stunting now symposium sa triangulo Naga City

NAGA CITY – Benepisyaryo ang higit tatlumpong mga nanay sa Barangay Triangulo Naga City sa Mom’s Love End Stunting Symposium at Distribution ng Maternity Kits ng Brigada News FM Naga.

Sa ginawang programa binigyang diin ni Dr. Odette Gonzales, ng Bicol University College of nursing ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang mental at physical health ng isang buntis.

Malaking bagay na ang isang buntis o nagpapadede ay masaya dahil nararamdaman din ito ng sanggol o ng bata.

Taong 2021 din kasi base sa pag-aaral maraming mga buntis ang naaapektuhan dahil sa mental health problem.

Importante rin na inaalagaan ng isang buntis ang kanyang sarili at dapat masusustansya ang mga kinakain.

Tinatalakay din ni Prof. Marinelle Pascual ang reproductive health. Nag-demo naman ng proper hand washing si Prof. Marice Ortonio.

Dinaluhan ng mga Barangay Opisyal sa pangunguna ni Kapitan Allan Beriso at Sally Luces ng Children International Philippines at AKB.

Masayang nakatanggap ang mga buntis ng mama kits tulad ng gatas, gamit para kay baby, at iba pa mula sa BNFM Naga.

Nabigyan din ang naturang Barangay ng mga mask at iba pa para sa kanilang Barangay Health Center ng partner group.

Maliban pa riyan, nagpakain din ang BNFM Naga sa mga benepisyaryo pati ang mga bata na naroroon.

Natapos ang programa na nabusog, napuno ng kaalaman at natuwa ang mga nanay na mga buntis at taos pusong pasasalamat ng Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *