140 bed capacity ng Bicol Medical Center hindi maaring sagarin; DOH Bicol may apela sa mga LGUs

NAGA CITY- 140 ang bed capacity ng Bicol Medical Center (BMC)  na nakalaan base sa tracker ng Department of Health (DOH)-Bicol subalit hindi ito maaring sagarin dahil kailangan  ang distancing, kaya naman sa mahigit 90 na COVID-Patient, idineklara ng BMC ang UNDER FULL CAPACITY.

Ito ay ayon kay Mylce Mella-Competente, information officer ng BMC.

Matatandaan na noong Sabado, inanunsyo ng pagamutan sa Naga na lilimitahan na lamang nila ang pagtanggap ng mga COVID-19 patients sa mga nasa severe o critical conditions.

Ayon sa pamunuan, maliban sa nasa full capacity na ang mga nasabing wards ay understaffed o kulang din sa tao para ihandle ang patuloy na pagdagsa ng mga COVID patients , kukulangin din sa medical equipment. Umapela pa sa LGUs na ayusin ang mga pasilidad para sa mild cases.

Samantala nakikita ng DOH Bicol sa unti-unting pagkapuno ng COVID wards sa rehiyon. Ayon kay Dr. Ferchito Avelino, Assistant Regional Director, ang mga DOH  COVID- hospitals ay dapat nangangalaga lamang ng mga pasyenteng severe at kritikal. Kung ipipilit aniya ang mga asymptomatic at mild cases, mapupuno kaagad at hindi magagamit kung kailangan na malalang kaso.

Umapela ni Avelino sa mga LGUs na tumulong sa pamamahala sa pagdala ng pasyente, dapat aniya handa ang mga community isolation para sa mga walang sintomas , mild at moderate cases o di kaya naman ay handa rin ang community o district hospitals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *