18-anyos na umanoy magnanakaw, huli ng barangay

Nabawi ng mga opisyales ng barangay ang dalawang mamahaling cellphone, relo at ilan pang mga gamit sa isang magnanakaw sa Brgy. Tinitian, Roxas, Palawan.

Ang suspek ay si Jerick Lee Villamor, 18-anyos residente ng Brgy. Poblacion, Aborlan, Palawan.

Sa ulat ng Roxas PNP, pinasok ng kawatan ang isang bahay sa Brgy. Tinitian nitong gabi ng February 28 habang natutulog ang may-ari ng bahay at tinangay ang nabanggit na mga mamahaling gamit.

Kinaumagahan nang ireport ng mga biktima ang insidente sa barangay at nitong Biyernes (March 1) ay nahuli ang suspek sa manhunt operation ng barangay.

Samantala, nabawi sa suspek ang mga nakaw na gamit at mahaharap ito sa kasong pagnanakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *