18 indibidwal mula sa Bicol, nahuli dahil sa iligal na droga noong nakaraang linggo

Aabot sa dalawampung mga indibidwal ang naaresto ng mga kapulisan sa buong rehiyon ng Bicol sa labintatlong ikinasang operasyon laban sa iligal na droga noong nakaraang lingo.

Mula noong Disyembre 12 hanggang 18 ngayong taon ay umabot sa kabuuang bilang na labingwalo ang mga inaresto kung saan aabot sa 600 o 571 gramo ng shabu ang nasamsam mula sa mga suspek.

Gayundin naman, aabot sa 100 o 85 gramo ng marijuana ang nakuha dahil sa nasabing operasyon.

Batay sa datos ng PNP Bicol, sa kabuuhan ay 12 most wanted persons ang nahuli habang 61 naman ang other wanted persons sa 68 na operasyong ikinasa ng pulisya sa iba’t ibang mga kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *