2 babae, himas-rehas matapos mang-shoplift sa isang mall sa Lucena City

Himas rehas ang dalawang babae matapos umanong subukan na mang-shoplift sa isang mall sa lungsod ng Lucena nitong Lunes, Mayo 1.

Ayon sa report, bandang alas 7:20 ng gabi umano nang mapansin ng gwardya ang dalawang (2) kahina-hinalang babae habang naglalagay ng mga grocery items sa kanilang bag.

Dahil dito, binantayang mabuti ito ng gwardya at nang tangkang tatakas na ang mga ito, hinarang ito at hinanapan ng resibo ang mga aytem na nasa bag ng mga ito.

Bigo ang dalawang babae na magpakita ng resibo sa gwardya na nagresulta sa kanilang pagkakaaresto at pagkakarekober ng mga aytem na nagkakahalagang mahigit ₱8,000.

Samantala, maayos namang na-iturn over sa kustodiya ng Lucena CPS ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong Theft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *